Tumingin ako sa taas. Ang gabi ngayon ay tila nanghihimok sa akin na magbigti. Habang ang ulan ay dumadagundong sa bubong, patuloy ang paggitgitan at paguunahan ng mga kotseng nakapaligid sa akin. Ang mga sementadong flyovers ay walang bisa sa pagluwag ng trapiko at pati na rin ng MRT. Busina ako ng busina, tulad ng ibang iritableng motoristang kumukulo na ang tiyan. Nagulat na lamang ako nang unti-unti, sa paningin ko’y biglang may lumilitaw na cheeseburger. Binuksan ko ang bintana, nalasahan ko naman ang hilaw na isda. Huminga na lang ako ng malalim at pinakinggan si Charisse, umaasang sana matapos na ang gabi.
Wednesday, September 29, 2010
Thursday, September 23, 2010
Kanser
Sari-saring mga sakit, kaawa-awang bayan
Hanap ay lunas para sa dumadaing na lipunan
Nawawalan na ng pag-asa, dumidilim ang isipan
Iisa lang ang pinagmulan- mikrobyo ng kahirapan.
Nandiyan ang trangkaso- iligal na trabaho at pandaraya
Pinapasok lahat, magkalaman lang ang mga sikmura
Mga nakakapit sa patalim, pati pagkatao ay sinira
Inutil sa pamahalaan, walang tulong sa mga maralita.
Nandiyan ang kanser- mga bisyo at seksuwal na imoralidad
Panandaliang lunas, maikling kaligayahan ang hangad.
Kawalan ng sapat na pinag-aralan, lahat ng wasto ay binaliktad
Sa lansangan ng kasalanan, kasama barkadang huwad
Naputol ang mithiin sa madugong eksena
Pag-asa ng pagbabago, sumabog lang sa lupa
Pangarap ng isang buhay, pinutol at binasura
Dapat isipin ng lahat, laging may bukas pa.
Tulang Pambata
Duyan sa lubid na kunwa’y baging
Mabilis ang duyan na parang abot ang langit
Ganyan si Tarzan at sumigaw pa ng malakas
Tinatawag ang mga kasamang hayup
Biglang naputol ang kunway baging
Humagis si Tarzan at pumutok ang ulo
May dugo sa lupa at semento
Tumakbo at sumaklolo ang magulang niya
At dinala siya sa malapit na ospital
Huh u hu!!! Ang malakas na iyak ni Tarzan
Habang tinatahi ng doctor ang ulong may putok
Pagbalik niya sa kanyang gubat na pantasya
Nakita niya ang putol na baging
Yakap ang magulang: Ayaw ko na maging Tarzan!
Wonderland
And all the land is sleeping,
Around me tread the mighty dead,
And slowly pass away.
Lo, warriors, saints, and sages,
From out the vanished ages,
With solemn pace and reverend face
Appear and pass away.
The blaze of noonday splendour,
The twilight soft and tender,
May charm the eye: yet they shall die,
Shall die and pass away.
But here, in Dreamland's centre,
No spoiler's hand may enter,
These visions fair, this radiance rare,
Shall never pass away.
I see the shadows falling,
The forms of old recalling;
Around me tread the mighty dead,
And slowly pass away.
Thursday, September 2, 2010
Call for Intimacy
The bride says, "I will seek."
He says, "Return to Me."
The lover says, "I will come."
Awake O sleep, and rise from the dead
This is the generation
That seeks the face of the Beloved
This is the generation
of Jacob, that cries out in worship