Wednesday, September 29, 2010

Trapik

Tumingin ako sa taas. Ang gabi ngayon ay tila nanghihimok sa akin na magbigti. Habang ang ulan ay dumadagundong sa bubong, patuloy ang paggitgitan at paguunahan ng mga kotseng nakapaligid sa akin. Ang mga sementadong flyovers ay walang bisa sa pagluwag ng trapiko at pati na rin ng MRT. Busina ako ng busina, tulad ng ibang iritableng motoristang kumukulo na ang tiyan. Nagulat na lamang ako nang unti-unti, sa paningin ko’y biglang may lumilitaw na cheeseburger. Binuksan ko ang bintana, nalasahan ko naman ang hilaw na isda. Huminga na lang ako ng malalim at pinakinggan si Charisse, umaasang sana matapos na ang gabi.

No comments:

Post a Comment